Tuesday, July 19, 2011

Pay it forward.

You can call me sentimental. I keep the tiniest note from a friend and obviously, I blog — para balang araw, I have something to show Nathan and well, something to look back to.


This morning, Papa asked me if we can give Nathan’s old bottles sa kakilala niyang janitor sa badminton club na pinaglalaruan niya. Papa said na sobrang tuwa daw nung kakilala niya nung sinabi na baka pwede namin ibigay yung mga bote ni Nathan dahil sobrang dami nga. I think Nathan has around 20 bottles, coz the first month were all trial and error for us, trying to find the perfect bottle for him. Until we settled with Avent, and totally hindi na nagamit yung mga bote niya.


While Papa was packing the bottles, bigla kong naalala na there’s a stash of his old baby clothes on the drawer. Eh sabi ko nga, sentimental ako, I originally planned to keep all of those clothes para mapakita kay Nathan paglaki nya. But then naisip ko, mapapakita ko nga kay Nathan, ano naman yung silbi nun, for old times sake lang?


Papa said pano daw pag nagkababy na kami ulit. I said, siguro naman mas may kaya kaming bumili ng bagong damit kesa dun sa kakilala niya. And I love the feeling na at Nathan’s age, marami na syang natulungan. Remember before, inayawan ni Nathan yung gatas niya, eh nakabili na kami ng dalawang malaking cans, yun pala may mas kailangan nung gatas na yun, naibigay namin.


Aside from his clothes, binigay na rin namin yung luma niyang blanket and pillows. Dahil si Nathan naman ay blessed with a lot of blankets from his Ninangs nun binyag na.


I have yet to hear from Papa kung ano ang reaction ng friend niya sa mga hand-me-downs ni Nathan. Sana makatulong kahit papano.

No comments:

Post a Comment

Comments make me happy!